Things I Learned From Bob Ong


From ABNKKBSNPLAko?!, Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino, Ang Paboritong Libro ni Hudas, Alamat ng Gubat, Stainless Longganisa, Macarthur, Kapitan Sino to Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan, I’ve been an avid reader of Bob Ong’s classic stories.

Bob Ong or Roberto Ong is actually a pseudonym of a Filipino contemporary author known for using conversational Filipino to create humorous and reflective depictions of life as a Filipino.

But in my personal point of view, Bob Ong is a great artist, a good communicator and a teacher in disguise who can influence you through his words about life, love, politics, religion, education, drugs and many other things under the sun. Here’s a collection of the memorable quotes from this remarkable author.

*****

“Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”

“dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung ‘di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit.sobrang lugi. kung alam lang ‘yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela.”

Ang tamang bagay saka tamang panahon wala na ring saysay kapag wala na yung tamang tao. Ang tao, pwedeng mag adjust, pero ang bagay at panahon, hindi.

“Minsan kahit maasim ang buhay at may mga daga, masarap pa ring tumaya”

kung gusto mong maging musikero, sige lang. pintor, ayos! inhinyero, the best! kung gusto mong maging teacher, pilitin mong maging teacher na hindi makakalimutan ng mga estudyante mo. kung gusto mong maging sapatero, maging pinakamahusay kang sapatero. kung gusto mong maging karpintero, maging pinakamagaling kang karpintero. kung gusto mong maging tindero ng balut, wag kang dadaan sa harap ng bahay namin para mambulahaw sa gabi kung ayaw mong masaktan!

“kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramdam, mag-ingat-ingat ka naman. dahil kahit ganyan ka, hindi nasasaktan, kaya mo namang makasakit.”

“Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”

Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.

“mahirap magmalasakit sa buong mundo habang natitisod ka sa mga nagkalat na pulubi sa sarili mong bansa.”

“Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka niya..”

  • “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”
  • “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”
  • “Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

“Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

“Kung maghihintay ka ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.”

“Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”

“Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”

“Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”

“Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

“Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”

“Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.”

“Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”

“Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.”

“Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”

“Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala”

“Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”

“Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”

“Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”

“Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”

“Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka..”

kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak,pero wag na wag kang susubok mag-drugs. kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.

tuparin ang mga pangarap. obligasyon mo yan sa sarili mo.

mangarap ka at abutin mo ‘to. wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwede kang manisi at maging rebelde. tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa bandang huli, ikaw din ang biktima. rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.

“hikayatin mo lahat ng mga kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang na paboritong libro sa buhay nila dahil wala nang mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa”

ayos lang lumaki nang lumaki, magpatangkad, at tumanda nang walang natututunan– kung puno ka! pero bilang tao, may karne sa loob ng bungo mo na nangangailangan ng sustansya. maraming pagkakataong kakailanganin mong sundutin yon. at sa bawat sundot, tulad ng sundot-kulangot, mas maigi kung may kapaki-pakinabang kang makukuha.

“Mahihina pa ang mga katawan natin ng una tayong pumasok sa eskwela. Mahihina na tayo pagkatapos nating magretiro sa trabaho. Lumalabas tayo ng bahay papasikat palang ang araw. Bumabalik tayo ng bahay, papalubog na ito.”

Ganyan na lang yata talaga ang buhay ng tao. Kung pumapasok tayo sa eskwela para lang makahanap ng trabaho at kumita ng pera balang araw, di na nakapagtataka kung bakit marami ang namamatay ng mangmang.

Nakalimutan na ng tao ang kabanalan niya, na mas marami pa siyang alam kesa sa nakasulat sa tanscript of records niya. Mas marami pa siyang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume niya. At mas mataas ang halaga niya sa presyong nakasulat sa payslip niya tuwing sweldo.

“kung kabayo gagawa ng libro mahirap maging palaging politically correct para sa mga damo”

” ung hndi grades ang sukatan ng pag katao ng isang tao”

“Ayokong nasasanay sa mga bagay na maaari namang wala sa buhay ko

“mag-aral maigi; kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka sa pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher.”

“Ang pagkitil sa sariling buhay ay karapatan lamang ng mga taong gumagamit ng celfone at nakikipagkwentuhan sa loob ng sinehan.”

ilang hakbang pa papunta sa kanila ramdam niya na ang mga nakakapasong tingin ng mga kapitbahay. ang mga nakakasugat na dila. Ang mga nakakasakit na panghuhusga. Mga totoong halimaw na hindi mapapatay ng bala.

“mangarap ka at abutin mo ito. wag mo sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta o mga lumilipad na ipis… kung may pagkukulang sayo ang magulang mo, pwede kang manisi at magrebelde, tumigil ka sa pag-aaral, mag drugs ka, magpakulay ng buhok sa kili-kili… sa bandang huli, ikaw din ang biktima… rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili…”

♥More to come. . .

About these ads
Comments
  1. free music says:

    i take a fancy choose it Top 45 unheard of Quotes from cut short Ong « Little Doctors a inconsiderable while ago im your rss reader

    • locil says:

      may mga taong dumanas ng matinding malas, sa pamilya, sa boyfriend, at pinag daanan ang mga masasakit na problema, inaapakan apakan ng mga taong umagaw ng kaligayahan. dapat gawing sandata ang hirap at maging matatag para gantihan sila

      • i don’t think it’s necessary for us to avenge ourselves to whatever happened in the past, whether we were hurt by our boyfriend and family and had gone through difficult times. i suppose being strong is accepting the fact that it happened, but you are still capable of forgiving them. :) do not waste your time for revenge, but instead be happy of what you already have and what you will still receive. ^_^

  2. love ko talaga ang books ni bob ong!!!!!!!!

  3. mark ian mejia says:

    “BARKADA” jan aq natutong tumambay, umuwi n g late, makipag-away at makisama! Tapos sasabihin nila, “BARKADA MASAMANG IMPLUWENSYA?” Iba’t-iba man kami ng katangian, napahamak man ako minsan, lahat ng yan ‘di ko pinagsisiisihan, dahil sa salitang yan jan ako naging MASAYA, at natutung lumaban!

    <<<<<<<<<<<<<<<<<<<<>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

  4. bhlessie13 says:

    xana mbasa q p lht ng quotes nia . my libro b c bob ong n puro quotex lng nia ?

    • i don’t think there is… but i hope bob ong will publish a book of all his memorable quotes. sounds a great idea :)

      anyway, i really hope you can read all his books. what are the other bob ong books that you’ve already read??

  5. haruwi says:

    champion kau mga kua

  6. melai says:

    i love bob ong…his words were so inspiring…

  7. caroline says:

    .. nakaka insspire ang mga quotes nya :D

  8. elaine says:

    ang galing nyang magsulat..

  9. i Really Like All Of Bob Ong Quotes And Inspirational Advices About Love & Life ;”)
    Hope Na MakaGawA Sya ng Book Of Quotes .

  10. chattos says:

    wagas..ang daming alam ni bob

  11. celia says:

    super like ko ito,,,

  12. Iyanna says:

    I Like!

  13. arianneisky says:

    writing is something i can do best but reading your books is one thing i’d like to do rather than rest;

    keep up the good work and keep on inspiring avid readers like me

  14. love says:

    nakakarelate ako dito.kaya lang naiiya ako…yung nabas ko d2 na sinssabi mo lang ok ka pero sa totoo siya ang dahilan ng pag-iyak mo..huhuu Oo.nga hirap..

  15. Jom says:

    Ang sarap ng basahin ang mga payo sa buhay :3

  16. jimilyn abogadie says:

    im dying to read the latest book of bob ong. i luv this qoutes means everything to me

  17. akosimaxinn says:

    follow me ..
    i had plenty of bob ong qoutes too ..
    nice site ..keep it up :)

  18. Jeffrey Torre says:

    I Love Bob Ong Books.. :))

  19. cj lee says:

    dabest! sarap bsahin!

  20. ..xna magkaroon k p ng more qoutations ung paog emo ha, nice ng mga work u

  21. thank you for reading my blog and appreciating bob ong’s memorable quotes. :) keep on supporting us.. and like my blog on facebook ^_^ keep posted.

  22. venus says:

    hey!… ALL TIME FAVORITE Q TALAGA SI BOB!.. I LOVE MCARTHUR.. AKIN KA NA LANG CYRUS! AMPUNIN NA LANG KITA!!

  23. Reyn says:

    Bob Ong Quotes are really great. I really appreciate all the quotes he made. very inspiring

  24. Nash Marcos says:

    BOB ONG books plays an important role in the formation of every individual especially to us, as a youth. :-) LONG LIVE BOB ONG!!!

  25. bhom21 says:

    its very nice sayings

  26. ang sarap mabuhay kong puro ganto ang mababasa mo!

  27. jayr says:

    one memorable quote of bob ong from kapitan sino “hindi mo kailangan ng maraming tao para bumuo ng isang mundo. minsan isang tao lang kailangan mo buo na mundo na kailangan mo habang buhay” just not sure of thats the exact words

  28. lahdahpo0tah says:

    astig tlaga ni Bob Ong! :)

  29. arowana says:

    hanep…..may pickup line ba si bob ong?

  30. ethelpacursa says:

    truly bob ong is a great writer..eye-opener sa mga mamba2sa ng mga libro nea. .marami nawi2li d2..
    keep it up!
    inspiring talaga.:)

  31. ethelpacursa says:

    truly bob ong is a great writer..eye-opener mga libro nea sa mga readers. .marami nawi2li d2..
    keep it up!
    inspiring talaga.:)

  32. Lui B. says:

    I really love Bob Ong! In fact, I also wrote my own list here:

    http://www.filipiknow.net/top-10-bob-ong-love-quotes/

  33. dan khuletz says:

    tnx bob ong sa mga qoutes ,, may natutunan ako,,

  34. Faye says:

    Atlst nkbsa rn ng mtgl q ng guz2ng bshn ang kht kuntng glng ky b0b ong,smple sntnce it takes so much meaning 4 d ppol lives and it sink in 2 me. . .

  35. roger says:

    Idol ko bob ong … :D ..
    mag iiba ang pananaw ng tao pag nabasa nya ang mga sinulat mo :D :D :D

    doc shei .. tama po kayo..

    wala naman po tayo mapapala sa paghihiganti ..

    dba nga nung tayo ang inapi naramdaman natin ang lungkot at sakit ..

    kaya nga alam mo na ehh.. bakit mo pa ibabalik sa kanya .. pangit ang manakit ng damdamin ng tao .. dahil yan rin ang isa na ayaw natin gawin sa atin .. kaya pagbigyan nalang natin …

    walang maidudulot na kaginhawaan sa buhay mo ang paghihiganti ..

    kundi puot at galit lang ..

    na inspire lang po sumagot :D

    • tama ka, roger. hindi tayo dapat maghiganti. wag lang din natin kalimutan ang mga bagay na natutunan natin sa mga taong nakasakit sa atin. :) hindi tayo dapat manakit ng damdamin… pero paraan ng isang manunulat na ilabas ang kanyang saloobin upang ipaalala ang mga bagay na natutunan niya sa isang pangyayari. :)

      thank you for your comment, roger. ^_^

      • Eliza Reyes says:

        i love bob ong! tama, walang mapapala kung sasaktan natin ang taong minahal natin noon pero tinake lang tayo for granted. ang maganda eh move forward na lang at ingat next time. wag ibigay ang 100%. mahalin muna ang sarili.

      • yes, remember: we can never build ourselves by tearing other people down. :)

    • Eliza Reyes says:

      agree ako jan. move on na lang and love yourself more. hndi natin kailangan maghiganti. ang mas importante mas makilala natin ang sarili natin. :)

  36. .claire f. says:

    super nkakainspired tlga ang mga qoutes ni bob ong . Tlgang mtatamaan ka sa bwat meaning nito . LoveKoBobOng!

  37. chris says:

    super dopper grabe ang galing pare.

  38. Nelio says:

    ano ang pinaka maganda na libro ni bob-ong.. ?

  39. menni says:

    hi i am also an avid fan of bob ong and read almost all his book…

  40. mateo says:

    kahit ulit ulitin basahin ok lng..nakaka inspire

  41. lahat maganda..buying bob ong books is an investment :)

  42. donaldrin says:

    May sakit ka pala Bob Ong…

    Sakin mo pa pinasa ang masamang History ng ka bobohan

    Pero salamat po sayo naging matalinong bobo na rin ako!

  43. jhonvil says:

    lahat ng pagsubok is a kind of challenge that we need 2 keep going on.,.,!!!!!!!!!

  44. Rhiza says:

    Astig mga quotes lalu name sci Bob long
    Nice one ;))

  45. lust manila says:

    lahat ng bagay may dahilan, di lahat ng dahilan ay bagay….

  46. jef says:

    bOb Ong for president!!!!!

  47. maricris marabe says:

    inpirational <3 keet it up ! :)

  48. You ought to be a part of a contest for one of the highest quality sites on the
    net. I’m going to recommend this blog!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s